AFDA, inaprubahan ang alternatibong pap smear na maaaring gawin sa bahay para matukoy ang cervical cancer

Isang aparato na inaprubahan ng U.S. Food and Drug Administration ang magpapahintulot sa mga tao na magsagawa ng cervical cancer screening sa kanilang sarili nang madali at epektibo. Tinatawag itong “Teal Wand” at maaaring ikonekta sa telehealth services ng isang kumpanya, kung saan maaring makipag-ugnayan ang mga gumagamit sa kanilang doktor para sa anumang katanungan o alalahanin tungkol sa paggamit nito.