Bill Gates, magdo-donate ng malaking bahagi ng yaman sa Africa

Kilala si Bill Gates sa pagiging kritikal kay Elon Musk hinggil sa pagbawas ng pondo para sa makataong pagtulong sa mga developing countries. Sa isang event sa Addis Ababa, Ethiopia, inihayag ni Gates ang plano niyang ibigay ang malaking bahagi ng kaniyang $200 bilyong yaman sa loob ng susunod na 20 taon upang labanan ang mataas na bilang ng namamatay na bata, mga sakit, at kahirapan sa Africa.