
Isang pag-aaral, ibinunyag ang magandang epekto ng wildflower strips sa taniman at biodiversity
Isang siyentipikong pag-aaral na isinagawa sa loob ng dalawang taon ang nagpakita na ang pagtatanim ng mga wildflower strips sa mga sakahan ay maaaring magdulot ng pangmatagalang positibong epekto sa mga pananim. Bukod sa pagiging natural na panlaban sa peste, makatutulong din ang pamamaraang ito na mapababa ang gastos ng mga magsasaka sa pagtatanim at pag-aalaga ng pananim, at makapagpataas ng biodiversity sa lugar.