
England, inaatasan ang paglalagay ng solar panel sa mga bagong bahay
Bilang bahagi ng hakbang para gawing mas sustainable at matipid sa enerhiya ang mga tahanan sa UK, inaatasan ng Local Government Association (LGA) na lagyan ng solar panel ang karamihan sa mga bagong tayong bahay sa loob ng dalawang taon mula sa pagkakagawa nito. Inaasahang magiging ganap na batas ito pagsapit ng 2027. Magkakaloob din ng mga grant at pautang para sa mga nais maglagay ng solar panel sa mga kasalukuyang tahanan.