Happiness rate sa Iceland, tumaas ng 9.1% ayon sa taunang ulat

Pumangatlo ang Iceland sa pinakamasayang bansa sa 2025 World Happiness Report matapos makapagtala ng malaking pagtaas sa kanilang iskor ngayong taon. Itinuturing na dahilan ng pagtaas ang pagpapahalaga sa kalikasan, pagtutok sa mga isyung panlipunan, at matatag na kakayahang makabangon sa hamon ng buhay.