
Mga pag-aaral, nagpapakitang kapaki-pakinabang sa lahat ang pagiging inklusibo
Isang pag-aaral sa 10 pampublikong unibersidad sa Estados Unidos ang nagpakitang mas mataas ang kakayahan sa malalim na pag-iisip, malasakit sa kapakanan ng nakararami, at interes sa mga isyung may kinalaman sa kahirapan ng mga estudyanteng may pakikisalamuha sa mga taong mula sa iba’t ibang pinagmulan. Mas malaki rin ang posibilidad na sila ay bumoto at magkaroon ng matibay na kakayahang mamuno.