
Instagram, pinalakas ang limitasyon sa livestream features para sa mga kabataan
Para mapahusay ang online safety ng mga kabataang gumagamit ng Instagram, nangangailangan na ngayon ang Meta ng pahintulot ng magulang para sa mga batang wala pang 16 na taong gulang upang mag-livestream o mag-disable ng nudity filters sa nasabing app. Gayundin, ipinapatupad din ang parehong proteksyon sa Facebook at Messenger.