Modular at repairable na disenyo, tampok sa bagong wrist watch

Ang UNA modular sports watch ay may mga napapalitang bahagi tulad ng strap, screen, at baterya, kaya’t madali itong ayusin kahit walang gamit na tool. Dahil dito, mas tumatagal ang gamit ng relo. Dinisenyo para sa outdoor activities, layunin din nitong makatulong sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbawas ng electronic waste.