Bagong feeding device, makatutulong sa pagbangon ng coral reefs
Isang lumulubog at programmable na ilaw ang binuo sa The Ohio State University na nakabukas lamang ng humigit-kumulang isang oras kada gabi upang pataasin ang dami ng zooplankton. Sa ganitong paraan, mas nagkakaroon ng pagkakataong makakain ang mga coral habang nababawasan ang epekto ng artipisyal na ilaw sa ibang uri ng hayop sa dagat.