
Philadelphia Zoo, ipinagdiwang ang kauna-unang pagsilang ng Galapagos tortoise
Sa unang pagkakataon sa mahigit 150 taong kasaysayan ng Philadelphia Zoo, apat na Western Santa Cruz Galapagos tortoise na kabilang sa mga nanganganib nang tuluyang mawala ang matagumpay na napisa. Ang dalawang pinakamatandang pagong sa zoo na sina Mommy at Abrazzo, na higit 100 taong gulang na, ay naging magulang sa unang pagkakataon.