Bagong Linux code, makatutulong pababain ang konsumo ng enerhiya sa mga data center

Sa pamamagitan lamang ng ilang linya ng karagdagang code sa Linux operating system, posible nitong mapabuti ang halos lahat ng service request sa internet at mabawasan ng hanggang 30% ang kabuuang konsumo ng enerhiya. Ginagamit ang Linux sa mga malalaking data center tulad ng Amazon at Google.