Bulag na pintor sa Rwanda, hindi nagpatinag sa kapansanan at patuloy pang nililinang ang pagkamalikhain

Si Jean de Dieu Uwukunda, isang bulag na pintor mula Rwanda, ay gumagawa ng kamangha-manghang mga likhang sining na nagbibigay inspirasyon at katatagan. Ang kanyang kwento ay nagpapakita ng lakas ng pagkamalikhain at nananawagan para sa mas magandang oportunidad at suporta para sa mga taong may kapansanan tungo sa pagiging mas independyente at matagumpay.