
Hukom sa Kenya, nagpasya na ang ‘attempted suicide’ ay hindi isang krimen
Sa isang makasaysayang desisyon, idineklara ng isang hukom sa Kenya na labag sa konstitusyon ang bahagi ng penal code ng bansa na nagbabawal sa tangkang pagpapakamatay. Ayon sa hukom, ito ay diskriminasyon laban sa mga taong may hindi natutugunang isyu kaugnay ang ‘mental health’ na hindi nila kayang kontrolin.