Mga siyentipiko, nakagawa ng baterya na pinapagana ng ‘fungi’

Sa isang makabagong pagsusuri, nadiskubre ng mga mananaliksik mula sa Switzerland ang paggamit ng lebadura at white rot fungus upang magpatakbo ng baterya. Ang makakalikasan at napapanatiling microbial fuel cell ay 3D-printed gamit ang fungal cells na hinaluan ng tinta at ganap na nabubulok o natutunaw matapos itong magamit.