G20 nagkasundong buwisan ang mga “super-rich” sa makaysayang hakbang

Nangako ang mga pinuno ng G20 na tiyaking mabubuwisan nang patas ang mga “super-rich” na tao sa mundo bilang bahagi ng hakbang para sa patas na sistema ng buwis. Ikinatuwa ito ng mga tagapagtaguyod laban sa kahirapan bilang progreso, ngunit nananawagan sila ng mas konkretong aksyon laban sa hindi pagkakapantay-pantay.