
Child labor sa Western Africa, aalisin na
Nilagdaan ng mga pangunahing stakeholder ang isang bagong kasunduan na naglalayong tanggalin ang child labor sa mga rehiyon sa West Africa, partikular sa mga lugar na ang pangunahing hanapbuhay ay pagtatanim ng cocoa. Nagkasundo ang Côte d’Ivoire, Ghana, at ang industriya ng cocoa upang isulong ang edukasyon, mga serbisyong panlipunan, at kapakanan ng komunidad, sa paglalayong mapabuti ang kinabukasan at pamumuhay ng mga magsasaka.