Balat ng saging, solusyon sa deforestation sa Cameroon
Isang 30-taong-gulang na environmental engineer mula sa Cameroon na si Steve Djeutchou ang gumagamit ng mga balat ng saging upang gawing eco-friendly na biochar bilang isang sustainable na solusyon sa deforestation sa kanilang bansa. Sa pamamagitan ng kanyang makabago at malikhaing pamamaraan, hindi lamang niya tinutugunan ang mga isyung pangkalikasan, kundi nagbibigay din siya ng pagkakataon sa mga kabataang lokal na matutunan ang renewable energy.