
Mga isla sa Greece, pinapabilis ang ‘clean energy transition’
Pinapabilis ng Greece ang kanilang ‘clean energy transition’ sa pamamagitan ng €1.6 bilyong inisyatibang sinusuportahan ng EU upang bawasan ang carbon emissions sa mga isla nito. Gamit ang enerhiyang mula sa hangin at araw, layunin ng hakbang na ito na mapabuti ang kasarinlan sa enerhiya, bawasan ang mga emisyon, at itaguyod ang sustainable na pag-unlad sa buong Mediterranean.