Chile, nabuo ang 1,700-milyang wildlife corridor sa Patagonia

ENVIROLINK

Sa pamamagitan ng isang makasaysayang kautusan, nagtatag ang Chile ng bagong national park na may laki na 2.5 milyong ektarya upang pagdugtungin ang 17 protektadong lugar. Nabuo nito ang tuloy-tuloy na 1,700-milyang wildlife corridor sa Patagonia na magsisilbing ligtas na tirahan at daanan ng mga hayop sa rehiyon.