Lokal na pera sa Bavaria, gamit sa pagbawas ng emisyon

DEUTSCHE WELLE

Mula sa proyektong pang-eskuwela sa rehiyong Chiemgau ng Germany, umaabot na sa limang milyong Chiemgauer ang umiikot bawat taon. Nakakakuha nito ang mga residente kapag nagkakabit ng solar panel, nagpapagawa ng damit o gumagamit ng car sharing. Ayon sa mga auditor, 12,800 toneladang CO2 ang naiwasan sa apat na taon.