top of page
‘City buildings’ sa Chicago, naging makakalikasan na sa 2025
13.01.2025
(c) Misael Nevarez/Unsplash CC0
RENEWABLE ENERGY WORLD
Simula ngayong taon, lahat ng 411 gusaling pampubliko sa Chicago, kabilang ang mga pandaigdigang paliparan, istasyon ng bumbero, libraries, at City Hall, ay pinapagana na ng renewable energy. Pitumpung porsyento nito ay nagmumula sa isang solar farm, habang ang natitirang 30 porsyento ay mula sa renewable energy credits.
bottom of page