
Isang bagong pag-aaral, nagsusulong ng gawing karapatang pantao ang libreng internet
Isang bagong pag-aaral mula sa University of Birmingham ang nagpanukala ng libreng internet na maging isang pangunahing karapatang pantao bilang pagbibigay-diin sa mahalagang papel nito sa makabagong lipunan. Sa pamamagitan ng pantay-pantay na access a internet, layunin ng inisyatibang ito na bigyan ng kapangyarihan ang mga tao sa buong mundo at protektahan sila mula sa online censorship at pagsasamantala.