
Mga canteen sa paaralan sa Spain, nag-shift mula sa matatabang pagkain at nagdagdag ng sariwang gulay upang labanan ang ‘child obesity’
Ang mga canteen sa paaralan sa Spain ay nagsusumikap na baguhin ang kanilang mga menu matapos maipatupad ang isang royal decree ng Council of Ministers ngayong linggo. Kasunod ng mga alalahanin ukol sa ugnayan ng kalusugan at kalagayang sosyo-ekonomiko, ipinatupad ang decree na may layuning mabawasan ang hindi pagkakapantay-pantay ng kalusugan sa mga pook na may mababang kita.