
Mga siyentipiko, nagmungkahi ng ‘drug-free solution’ laban sa ‘antibiotic resistance’
Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa University of California San Diego ang kahinaan ng mga antibiotic-resistant na bacteria, na nagbigay ng posibleng solusyon para labanan ang tumataas na suliraning pangkalusugan. Sa inaasahang pagkasawi ng halos 2 milyong tao bawat taon dahil sa antibiotic resistance pagsapit ng 2050, magkakaroon ng mahalagang papel ang natuklasang ito sa paglaban sa mga superbug.