Pag-aalaga sa mga apo, pampatalas ng isip at memorya

MEDICAL XPRESS

Ang paggugol ng oras sa mga apo ay nakatutulong upang mapabagal ang paghina ng isip ayon sa isang malawak na pagsusuri. Dahil sa masiglang pakikihalubilo sa pamilya, nananatiling aktibo at matalas ang utak ng mga nakatatanda, na nagbibigay sa kanila ng mas malinaw na pag-iisip at kagalakan sa mahabang panahon.