
Solar-powered na solusyon laban sa pagka-lowbat, ilulunsad na sa Kenya
Ang Charge24 Africa ay isang network ng maliliit na charging station na pinapagana ng solar energy para sa mga cellphone, na layong tugunan ang suliranin sa konektibidad sa kontinente. Sa pamamagitan ng QR code, maaaring umarkila ang mga gumagamit ng portable power bank, mag-charge habang nasa biyahe, at isauli ito sa alinmang kalapit na istasyon.