
Sustainable greenhouse coating, nagpataas ng mga ani ng pananim sa UK
Upang mapataas ang ani at mapahaba ang panahon ng pagtatanim sa UK, nakagawa ang mga siyentipiko ng makabagong spray para sa greenhouse na nag-o-optimize ng ilaw at nagko-convert ng sikat ng araw sa ‘red light.’ Layunin ng teknolohiyang ito na baguhin ang produksyon ng pagkain sa mga rehiyon na hindi masyadong maaraw at bawasan ang pagdepende sa artipisyal na ilaw.