Virtual reality, gabay ng mga preso sa California para sa paglaya

ABC NEWS

Gumagamit ang mga kulungan sa California ng VR “hope machines” para sa mga preso bago sila lumaya. Sa pamamagitan ng immersive technology, natututo silang mamili at gumamit ng ATM, na nagpapababa sa kaba at muling paggawa ng krimen. Isang mahalagang hakbang ito para sa ligtas at maayos na pagbabalik sa komunidad.