Isang kumperensya, nakalikom ng 9.1 bilyon para sa pangangalaga ng karagatan

Ang taunang global na kumperensya para sa pangangalaga ng karagatan na pinamagatang “Our Ocean, Our Action” ay ginanap mula Abril 28 hanggang Abril 30 sa South Korea. Dito, nangako ang mga lider mula sa iba’t ibang bansa ng 9.1 bilyon para sa mga hakbang sa pangangalaga at pagpapanumbalik ng mga karagatan.