
Pahayagan sa Brazil, nagbibigay ng ‘sense of purpose’ sa mga indibidwal
Ang Boca de Rua, isang pahayagan na nakabase sa Porto Alegre, ay nagbibigay ng boses sa mga taong nasa laylayan ng lipunan sa loob ng 25 taon. Karamihan sa mga miyembro ng staff ay nakararanas ng kahirapan o mga walang tirahan. Tuwing linggo ay may mga pagpupulong at kasali ang mga staff sa buong proseso, mula sa pagsusulat ng mga artikulo hanggang sa pagbebenta ng mga pahayagan sa kalye.