
Pinakamalaking de-kuryenteng barko sa mundo, umalis sa pantalan ng Tasmania
Ang pinakamalaking de-kuryenteng barko sa mundo na pinangalanang China Zorilla, mula sa pangalan ng isang kilalang aktres sa Uruguay, ay lumayag mula sa Tasmania ngayong linggo. Nakatakda itong bumiyahe sa pagitan ng Argentina at Uruguay. Pinapagana ito ng baterya at apat na beses na mas malaki kumpara sa iba pang umiiral na maritime system ngayon. Itinuturing itong isang mahalagang hakbang tungo sa mas makakalikasang transportasyon sa dagat.