Paglayo sa fossil fuel, nagpapalakas ng seguridad sa enerhiya

Ayon sa isang bagong pag-aaral, ang pagbawas ng paggamit ng fossil fuel o decarbonization ay maaaring magpataas ng carbon security sa karamihan ng mga bansa. Bagamat isa ang Estados Unidos sa may pinakamalaking reserba ng fossil fuel sa mundo, makikinabang pa rin ito nang malaki kung magtatatag ng bagong mga kasosyo sa kalakalan at bibigyang prayoridad ang malinis na enerhiya pagsapit ng 2060.