Bagong pabrika ng Lego sa Vietnam, nangakong magiging carbon-neutral
Mayroong 12,400 solar panels at isang sustainable energy storage system ang pabrika upang makagawa ng mga bloke nang hindi naglalabas ng mga gas na nagpapainit sa mundo. Mahigit isang bilyong dolyar na ang ipinuhunan ng LEGO para sa pagdebelop ng mga carbon-neutral na bricks.