No more excuses: Disenyong inclusive na urinal, iwas talsik

Ang Nautilus ay may disenyong may anggulo na 30° pababa, kaya’t naiiwasan ang pagtalsik ng ihi. Idinisenyo rin ito para magamit ng iba’t ibang taas ng tao, kaya mas madali itong gamitin ng mga bata at ng mga gumagamit ng wheelchair. Ayon sa mga designer nito, kung papalitan ang 56 milyong pampublikong urinal sa U.S. ng ganitong disenyo, mahigit isang milyong litro ng ihi kada araw ang maiwasang tumapon sa sahig.