
Kauna-unahang stadium para sa women sports, itinayo sa Kansas City
Pinangunahan ng Kansas City ang pagtatayo ng kauna-unahang stadium sa buong mundo para sa propesyonal na sports ng kababaihan. Ayon sa grupo ng kababaihan na nag-disenyo ng nasabing stadium, ang makabagong pasilidad ay hindi lamang upang ipagdiwang ang soccer ng kababaihan, kundi nagtatakda rin ng bagong pamantayan para sa sports sa susunod na mga panahon.