
Fidget toys,’ makatutulong sa mga kabataang labanan ang pagkabalisa at self-harm
Tinalakay sa isang bagong pag-aaral kung paano makakatulong ang mga fidget toy at self-help kit sa kabataan upang harapin ang pagkabalisa at mabawasan ang self-harm. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sensory tool bilang maagang interbensyon, layunin ng mga kit na ito na magbigay ng paraan sa pagharap sa emosyon bago umabot sa kritikal na yugto ng mga suliranin kaugnay sa mental health.