First openly gay’ na kandidato, tatakbo sa kongreso ng Romania

Naglunsad ng kampanya si Florin Buhuceanu, isang LGBTQ+ activist, upang maging ‘first openly gay’ na miyembro ng kongreso sa Romania. Layunin niyang hamunin ang konserbatibong politika ng bansa at itaguyod ang pagkilala sa same-sex unions bilang tugon sa kawalan ng aksyon ng pamahalaan. Hangad rin niya ang makabuluhang pagbabago para sa karapatan ng LGBTQ+ sa Romania.