Bagong tekonolohiya, napapagana ang mga electronic device gamit ang ‘body movements’

Nakagawa ang mga mananaliksik mula sa University of Waterloo ng isang wearable device na kumukuha ng enerhiya mula sa paggalaw ng katawan. Ang nasabing device ay nag-aalok ng makabagong solusyon para sa sustainable energy. Maaaring gamitin ang teknolohiyang ito upang magpagana ng mga device tulad ng laptop at smartphone habang nagta-type, nagjo-jogging, o tumatakbo.