Katutubong komunidad sa Colombia, nanguna sa pangangalaga ng tirahan ng Tapir

Sa mga kagubatan ng Putumayo sa Colombia, nanguna ang mga katutubong tagapangalaga sa pagsusumikap na protektahan ang nanganganib na lowland tapir sa pamamagitan ng tradisyonal na kaalaman at makabagong pamamaraan ng konserbasyon. Sa gabay ng kanilang mga paniniwalang espiritwal at malalim na koneksyon sa kalikasan, nagsikap sila upang matiyak ang kinabukasan ng sagradong species.