Colombia, tinuldukan ang child marriage matapos ang 17 taong kampanya
Matapos ang walong hindi matagumpay na pagtatangka at 17-taong hindi matitinag na laban para sa katarungan, inaprubahan na ng mga mambabatas ng Colombia ang isang makasaysayang batas na nagbabawal sa kasal ng mga bata sa bansa. Layunin ng hakbang na ito na protektahan ang mga bata laban sa sistematikong karahasan, pagsasamantala, at malaganap na isyu ng sexual abuse.