
Roblox, pinatibay ang ‘online gaming safety’ para sa mga batang under-13
Nagpatupad ang Roblox ng mga bagong hakbang pangkaligtasan upang lumikha ng mas secure na kapaligiran para sa mga batang wala pang 13 taon. Kasama sa mga update ang mas mahigpit na pagsusuri sa pagiging angkop ng mga laro, limitasyon sa mga mensahe at social interaction, at pinahusay na mga opsyon sa kontrol ng magulang upang matiyak ang mas ligtas na karanasan sa paglalaro para sa mga bata.