Lumang maong ginagawang insulation sa France

FRANCE 24

Sa hilagang France, nire-recycle ng isang kumpanya ang milyon-milyong lumang maong para gawing insulation panels na panlaban sa lamig at init sa mga gusali. Nagamit na ang materyal sa ilan sa mga kilalang gusali ng France, kaya nabibigyan ng ikalawang gamit ang basurang denim.