Bagong self-sustaining na panangga sa init para sa mga makakalikasang gusali, ipinakilala

NEWS CENTRAL AFRICA

Hango sa disenyo ng pine cone, nakabuo ang mga mananaliksik ng isang shading system na hindi nangangailangan ng enerhiya para sa mga makakalikasang gusali. Gamit ang 3D-printed cellulose materials, awtomatikong inaangkop nito ang sarili sa pagbabago ng panahon, kaya nakakatulong sa pagbabawas ng pag-konsumo ng enerhiya para sa pag-init at pagpapalamig ng gusali.