Malinis na kuryente, tinukoy na susi sa pag-usad ng klima

THE GUARDIAN

Tinukoy ng ulat ng University of Exeter at Earthshot Prize ang malinis na kuryente bilang pinakamalakas na tulak sa mga solusyong pangkapaligiran. Mas murang solar at wind power ang nagpapabilis sa pagbabago sa transportasyon, heating at industriya, pero hadlang pa rin ang mabagal na grid at kulang na puhunan sa Africa.